PatrolPH

Magkakaibigan huli sa pagkulong umano sa naglayas na dalagita sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2022 04:03 PM

Watch more News on iWantTFC

Arestado ang pitong magkakaibigan na sa Singalong, Maynila sa reklamong pagkulong sa 14 anyos na dalagita. 

Depensa naman ng mga suspek, kusang sumama ang biktima na itinuturing din nilang barkada.

Kwento umano ng dalagita sa kanyang mga kaibigan, lumayas siya sa kanilang bahay dahil sa pambubugbog ng kaniyang ina.

"Sabi niya po sa amin lumayas siya sa kanila dahil ginugulpi siya ng nanay niya. Siya po 'yung nagpupunta sa amin hindi po siya ininvite," sabi ng isa sa mga suspek. 

Dahil sa awa, hindi umanong nag-atubiling kupkupin umano ng magkakaibigan ang dalagita.

Pinabulaanan din nila ang akusasyong ikinulong sa isang bahay ang biktama dahil nagpapalipat lipat pa ito sa tahanan ng pito.

Giit pa ng mga suspek, kahit na ipagtabuyan na nilang umuwi sa sariling tahanan ang dalagita ay patuloy itong nagsusumiksik sa magkakaibigan dahil nga sa pangmamaltrato raw ng kanyang nanay.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Malate Police station na sa inuupahang bahay ng suspek na si "Rafael" namalagi ang biktima.

Mananatili naman sa pangangalaga ng pulisya ang mga biktima habang gumugulong ang kasong illegal detention laban sa mga suspek. 

-- Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.