PatrolPH

Bakunahan vs. COVID-19 sa botika sa Paranaque umarangkada na

ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2022 04:12 PM | Updated as of Jan 21 2022 08:04 PM

Maagang pumila sa sangay ng The Generics Pharmacy ang mga nais magpabooster-shot sa Paranaque City. ABS-CBN News 
Maagang pumila sa sangay ng The Generics Pharmacy ang mga nais magpabooster-shot sa Paranaque City. ABS-CBN News 

MAYNILA - Nadagdagan ang mga botikang nagbibigay ng booster shot kontra coronavirus disease (COVID-19) ngayong Biyernes matapos magsimula sa programa ang isang botika sa Paranaque. 

Maagang pumila sa sangay ng The Generics Pharmacy ang mga nais magpabooster shot sa Paranaque City bilang bahagi ng "Bakuna sa Botika" program ng pamahalaan.

Kasama ang botika sa mga dinagdagang vaccination facility para sa booster vaccination. 

Di naman exclusive sa mga residente ng Paranaque basta kailangan lang magparehistro sa social media page ng botika para makapag-appointment. 

Watch more News on iWantTFC

"Mas mabilis dito di ka na pipila napaka haha saglit lang po proseso," sabi ng nagpa-booster na si Kimberly Villaber. 

Ayon kay National Task Force against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon, matagumpay ang unang araw ng bakuna sa botika program na layong mas madaling na-access ng mga tao ang bakuna.

"Magandang maganda lalo na kahpon yung kahapon ine-expect lang namin 50 to 100 kada botika, mahigit doble ang mga pumunta sa mga botika dami pa di na entertain dahil di natin inasahan marami darating," ani Dizon. 

Bukod sa The Generics Pharmacy ng siyudad, may ilan ding private clinic ang nagsimulang mag-alok na rin ng COVID-19 vaccination sa Makati City. 

Balak ng NTF na palawakin pa ang sakop ng programa at paabutin ito sa mga probinsiya. 

-- Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News
 

 Kaugnay na video

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.