PatrolPH

2 Nigerian at 1 Pinoy arestado dahil sa BDO hacking

ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2022 10:01 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA — Naaresto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang dawit umano sa pangha-hack at pagnanakaw ng pera sa account holders ng BDO noong Disyembre kung saan nasa 700 ang nabiktima.

Sa entrapment operation, 2 Nigerian at 1 Pinoy na kasabwat nila ang nahuli. 

Nagsimula ang lahat nang sumuko ang suspek na si alyas "Pikachu."

Ayon sa NBI, nakikipag-ugnayan na sila sa bangko para maiwasang maulit ang krimen.

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Cybercrime Prevention Act. 

Ayon sa mga suspek, makikipagtulungan sila sa NBI para mahuli ang iba pang grupo na nagsasagawa ng parehong modus.

—Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.