Kasama ng lupa at mga bato ang mga punong tumabon sa gitna ng kalsada matapos ang landslide sa Nagtipunan sa Quirino. Larawan mula sa Clarissa Natuyag Ammog
Hindi madaanan ang bahagi ng kalsada papuntang Barangay Asaklat sa bayan ng Nagtipunan sa Quirino dahil sa landslide na naganap Huwebes ng umaga.
Ang landslide ay bunsod umano ng mga pag-ulan na naranasan sa lugar.
Nagsasagawa na ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at Municipal Engineering Office ng clearing operations.
- Ulat ni Harris Julio
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Landslide, Nagtipunan, Quirino, pagguho ng lupa, Tagalog news, Regional news, regions