GENERAL SANTOS CITY - Niyanig ng malakas na lindol ang malaking bahagi ng Mindanao alas-8:23 ng gabi ngayong Huwebes.
Makikita ang paggalaw ng mga paninda sa tindahang ito sa General Santos City.
Sa isa pang video, makikitang nagsilabasan ang mga tao sa kalsada.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang isang magnitude 7.1 na lindol na tumama sa karagatan ng Davao Occidental.
Naitala ang Intensity 5 sa General Santos City, at sa mga bayan ng Kiamba, Glan, Maitum at Malungon sa Sarangani.
Intensity 4 naman sa Mati City, Davao City, Cotabato City, Digos City, Sta. Cruz, Davao del Sur, Alabel, Maasim at Malapatan sa Sarangani, Tagum City sa Davao del Norte, Koronadal City, Tupi, Lake Sebu, Banga at Polomolok sa South Cotabato.
Naramdaman rin ang lindol sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III - San Francisco, Southern Leyte; Datu Blah T. Sinsuat, Maguindanao; Zamboanga City; Cagayan De Oro City;
Tandag City, Surigao Del Sur; Sto Nino, South Cotabato
Intensity II - City of Bislig, Surigao del Sur; Talakag, Kalilangan, Baungon, Malitbog, Don Carlos, Valencia City and Maramag, Bukidnon; Camiguin Island; Kidapawan City; Baybay City, Leyte; Taguloan, Jasaan, Balingansag, Balingoan, Magsaysay and Gingoog City, Misamis Oriental
Kasalukuyan pang ina-assess kung may mga nasirang gusali o ari-arian.
Wala namang itinaas na tsunami alert kasunod ng malakas na pagyanig.
- ulat ni Chat Ansagay
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Mindanao, Davao Occidental, General Santos City, lindol, Phivolcs, Tagalog news