Mag-live-in nahulihan ng P800,000 halaga ng 'ecstasy' sa Tondo

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2021 05:46 AM

MAYNILA - Hindi na nakapalag sa pulisya ang isang mag-live-in matapos maaresto sa isang buy-bust operation sa Rizal Avenue, Tondo, Maynila nitong Miyerkoles.

Nagbenta umano ng P500 halaga ng hinihinalang ecstacy ang target na 18-anyos na lalaki. Kasama niyang naaresto ang live-in partner niyang 18-anyos din at anim na buwang buntis.

Nasa 500 piraso ng hinihinalang ecstasy ang kumpiskado sa kanila na abot sa P850,000 ang halaga.

Ayon kay Police Lt. Joan Dorado, hepe ng drug rnforcement unit ng MPD Station 7, online kung magbenta ang mga suspek sa mga kapwa nila kabataan na dumadalo sa mga party.

May mga nakalulusot pa umano kahit ngayong general commumity quarantine lalo na kung may koneskyon sa pamunuan ng ilang hotel.

Dati na rin namomonitor ang target sa pagbebenta ng party drugs sa Maynila, Quezon City at Caloocan.

Aminado ang target ng operasyon sa paggamit ng ecstasy at pagbebenta nito.

Pagbebenta ng droga na walang piyansa ang kasong haharapin ng mag-live-in.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.