PatrolPH

Kawani ng gobyerno patay sa pamamaril sa Antique

ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2021 03:53 PM

Kawani ng gobyerno patay sa pamamaril sa Antique 1

ANTIQUE - Patay sa pamamaril ang isang kawani ng lokal na pamahalaan ng Sibalom, Antique, Huwebes ng umaga.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan si Vernel Mondreal, 22 anyos, administrative staff ng Sibalom Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, pinagbabaril ng 2 lalaking nakamotorsiklo ang biktima sa Barangay Igdalaguit ng naturang bayan.

Napag-alaman ng mga awtoridad na mag-iisang taon nang nagtatrabaho si Mondreal sa Sibalom MDRRMO.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa motibo sa pamamaril.

- Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.