2 bangkay natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Davao, Digos City

ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2021 01:37 AM

Ikinagulat ng mga residente ng Punta Dumalag sa Barangay Matina Aplaya, Davao City ang bangkay na lumulutang sa dagat Miyerkoles ng hapon.

Hinihinalang pinatay ang biktima na isang lalaki dahil natakpan ng packing tape ang mukha nito at may malaking hiwa sa tiyan.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng bangkay at iniimbestigahan ang pangyayari.

Samantala, isang bangkay naman ang nakitang palutang-lutang sa dalampasigan ng Barangay Cogon sa Digos City Lunes ng gabi.

Naiulat na nawawala noong Linggo ng umaga ang 57 taong gulang na si Bonifacio Manos matapos dumalo ng birthday party bago pa man natagpuang patay.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nakainom si Manos at tinangay ng agos ng ilog habang tumatawid sa Caños River.

Sa dagat na natagpuan ng mga mangingisda ang bangkay ni Manos.

- ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.