Mag-live-in partner patay sa pamamaril sa Sorsogon City

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2020 07:40 PM

Larawan mula sa Sorsogon Police

SORSOGON CITY - Patay ang isang lalaki at ang kinakasama nito matapos pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Bibincahan dito sa siyudad Lunes ng gabi.

Duguan at wala nang buhay ang mag-live-in partner na sina Lawrex Roy Marinda at Moriel Sola nang makita ng kanilang mga kapitbahay.

Ayon sa kanila, hindi nila inakala na kabarangay nila ang pinagbabaril matapos makarinig ng magkakasunod na putok.

Suwerte namang hindi nadamay ang 10 anyos na anak ng mga biktima na nasa loob din ng kanilang bahay.

Blangko ang naiwang pamilya kung sino ang nasa likod ng pamamaril. Pero ayon sa pulisya, may posible nang suspek sa insidente. Personal na galit ang tinitingnan nilang motibo sa pamamaril.

Tricycle driver si Marinda habang manikurista naman si Sola.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.