Iniiwasan ng anak sa social media? Eksperto may mga payo

ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2020 05:55 PM

Tiwala ang susi sa pagtanggap ng anak sa friend request ng magulang sa Facebook, ayon sa isang experto. File Photo.

MAYNILA - Sa takot at gawa ng pagrerebelde, iniiwasan ng ilang anak ang kanilang mga magulang sa social media. 

Halimbawa rito ang pagtanggi ng friend request sa Facebook o kaya paggamit ng mga ibang platform na karaniwang hindi kayang gamitin ng magulang gaya ng Snapchat o TikTok. 

Dahil dito, nagpayo ang family life and child development specialist na si Shake Hocson na kuhanin ang tiwala ng anak. 

Maaari kasing naiilang ang anak, lalo na kung masyadong nagiging mahigpit ang magulang dito. 

"You have to be friendly and be backed up by fair agreement," ani Hocson sa programang "Sakto" ng DZMM. 

Ayon pa kay Hocson, maaaring may mga nagiging pagkukulang ang magulang na nagdulot ng pagre-rebelde ng anak at pag-iwas nito sa social media. 

"Kunyare nag-philander ka at nadaya mo sila... [Iniisip kasi nila] na you are a man and woman of values, mawawala 'yong trust na iyon at magre-rebelde ang anak," ani Hocson 

Importante ring maging maluwag sa pagdidisiplina ng anak para makuha ang tiwala nito, payo pa ng eksperto. 

Mahalaga rin kasi aniyang malaman ng magulang kung paano gumamit ng social media ang anak para sa kaligtasan nito. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.