Warehouse sa Valenzuela City nasunog

ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2019 10:27 AM

MAYNILA- Nasunog ang isang warehouse sa lungsod ng Valenzuela nitong Lunes ng umaga.

Ayon sa mga bumbero, bandang alas-6:45 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa nasabing warehouse sa M. Gregorio Sreet sa Canumay West.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at tuluyang naapula alas-7:42 ng umaga.

Wala namang naiulat na nasaktan sa sunog at wala rin nadamay na iba pang gusali. Inaalam pa ng mga awtoridad ang halaga ng pinsalang iniwan ng apoy.

-ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.