#WalangPasok: Enero 22, Martes

ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2019 06:51 PM | Updated as of Jan 21 2019 09:12 PM

MAYNILA (UPDATED) -- Suspendido ang pasok sa ilang lugar sa Martes, Enero 22, dahil sa inaasahang masamang panahon dala ng bagyong Amang.

Kabilang ang mga sumusunod sa mga lugar kung saan nagkansela ang pamahalaang lokal ng klase sa mga pribado at pampublikong paaralan:

LAHAT NG ANTAS

  • Albay
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Sorsogon

Sa 8 p.m. weather bulletin ng state weather bureau na PAGASA, sinabi nitong humina na si Amang at isa nang low-pressure area.

Sa kabila nito, makakaranas pa rin ng pag-ulan sa mga lalawigan ng Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, at Northern Samar.

I-refresh ang pahinang ito para sa mga update. 

Bisitahin din ang ABS-CBN Weather Center para sa mga pinakabagong ulat ukol sa lagay ng panahon. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.