Kandidato sa pagkakonsehal ng Aborlan, Palawan, patay sa pamamaril

Rex Ruta, ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2019 10:46 PM

ABORLAN, Palawan - Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Aborlan, Palawan Lunes ng hapon.

Kinumpirma ng Palawan Provincial Police Office ang insidente ng pamamaril sa Barangay Ramon Magsaysay.

Kinilala ang biktima na si Ruben Goh, kumakandidato bilang konsehal ng bayan. Independent candidate si Goh.

Kinumpirma naman ng Aborlan Municipal Police Station na patay na si Goh nang kanilang datnan sa crime scene.

Pitong basyo ng bala ang nakita sa pinangyarihan ng insidente.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.