1 sugatan sa sunog sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2019 11:41 AM

MAYNILA- Sugatan ang isang babae sa sunog sa isang residential area sa lungsod ng Caloocan nitong Lunes ng umaga.

Nagtamo ng sugat at nawalan ng malay si Kristel Dela Peña matapos sumiklab ang sunog sa Barangay 151 sa Bagong Barrio ayon sa Bureau of Fire Protection.

Agad namang nalapatan ng paunang lunas ang biktima.

Ayon sa mga awtoridad, nagsimula ang sunog alas-8:45 ng umaga at umabot sa unang alarma. Tuluyang naapula ang sunog alas-10:16 ng umaga.

Pitong bahay ang tinupok ng apoy at nasa 20 pamilya ang naapektuhan.

Tinatayang aabot sa P450,000 ang pinsalang dinulot ng sunog.

-ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.