SAPUL SA CCTV: P35,000 sapatos ninakaw sa mall

ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2018 10:04 AM

KALIBO, Aklan - Nahagip ng CCTV ang pagnanakaw sa P35,000 halaga ng sapatos sa isang mall sa bayan na ito, Biyernes.

Sa CCTV footage mula sa pulisya, makikita ang nasa 9 na kawatan na patagong inilalagay ang mga branded na sapatos sa kanilang mga bag at jacket.

Hindi taga-Aklan ang grupo, ayon sa pulisya.

"Iyung mga tao na 'yun, bagong mukha so masasabi natin na mga dayo yung nga taong yun and now we are in the process of locating them," ani Senior Insp. Honey Mae Ruiz, OIC chief of police ng Kalibo.

May nakita naman aniyang kakulangan ang mga imbestigador sa pagpapatupad ng seguridad sa mall.

"Hindi naman mangyayari yun kung paglabas ini-inspect na... Sa ganoon kadami ng shoes o assorted items na nakuha nila bakit hindi napansin?" ani Ruiz. --Ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.