MRT, muling nagka-aberya

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2018 08:06 AM

MANILA - Nasa 200 pasahero ng MRT-3 ang pinababa sa North Avenue station Linggo ng umaga matapos magka-aberya uli ang isang tren nito.

Ayon sa mga opisyal ng MRT-3, nagkaroon ng electrical failure ang motor ng tren bandang 6:14 AM.

Nakasakay naman ng mga pasahero sa panibagong tren 6 minuto matapos ang aberya.

May isang tren naman sa Taft Ave. station ang tinanggal dahil nakaroon din ng aberya ito, ngunit ayon sa MRT media relations office, walang pinabababang pasahero dahil dito.

Sa pinakahuling tala, may 9 na tumatakbong tren ang MRT alas 7:00 AM ng LInggo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.