Huwag madaliin ang Cha-cha - Nene Pimentel

ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2018 11:04 AM | Updated as of Jul 16 2019 01:08 PM

MANILA - Muling nanawagan ngayong Linggo si dating Senate President Aquilino "Nene" Pimentel Jr. sa mga nagsusulong ng Charter change na huwag madaliin ang proseso nito.

Sa panayam ng DZMM, iginiit ni Pimentel na dapat bigyan ng pagkakataon ang taong bayan na intindihin ang pagbabago sa saligang batas.

Watch more in iWantTFC

"Pakinggan ang taong bayan. Maganda ba ito o hindi at mamarapatin po nila ay aprubahan po nila sa plebisito. Kung ayaw naman nila, sila ang masusunod," sabi ni Pimentel.

Si Pimentel ay isa sa mga orihinal nagsulong ng pederalismo at isa sa mga nagtatag ng PDP-Laban na partido ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon pa kay Pimentel, dapat din pangalagaan ng mga mambabatas na nagsusulong ng Cha-cha ang ilang mga magagandang probisyon ng kasalukuyang konstitusyon.

Hindi rin aniya dapat kitilin ang karapatang magsalita nang malaya.

"Kung baguhin man natin ang saligang batas, gusto kong bigyan diin kaagad ha ang proposal ko tungkol lamang sa pagpasok sa pederalismo," ani Pimentel.

"Yung mga basic human rights, yung mga magagandang probisyon tungkol sa Ombudsman tungkol sa ahensya ng gobyerno huwag na pakialaman yun kung maari sana."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.