TFC News

2023 International Children’s Art Exchange Exhibition sa South Korea bukas na ang aplikasyon

Annalyn 'Apol' Mabini | TFC News South Korea

Posted at Jan 20 2023 03:01 PM

SOUTH KOREA - Inaanyayahan ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul, South Korea ang mga batang Pilipino sa bansa na lumahok sa 2023 International Children’s Art Exchange Exhibition sa pangunguna ng Pyeongtaek International Exchange Foundation. 

Nais ng taunang art competition na magbigay ng kakaibang pagkakataon sa mga lalahok na indibidwal at bansa na ipakilala ang kanilang kultura sa mga Korean maging sa mga dayuhang residente ng bansa. Layon din ng kompetisyon ang pagsusulong ng iba-ibang kultura sa pamamagitan ng sining at ang pagpapalawak sa cultural exchange sa pagitan ng  mga kalahok na bansa o organisasyon. Bukas ang kompetisyon sa mga batang edad labintatlong taong (13) gulang pababa. 

Deadline ng aplikasyon sa January 31, 2023 habang ang huling araw para sa pagsusumite ng artworks ay sa March 31, 2023. Ang mga artwork ay idi-display sa Multi-purpose Wing ng Songtan International Community Center mula May 13, 2023 hanggang July 12, 2023

Para sa mga interesadong lumahok sa kompetisyon, maaaring makipag-ugnayan: 

sokor
Contact details para sa mga interesadong lumahok sa kompetisyon

Name: AHN, JAE SUG - International Exchange Team 

Email: js.ahn.pief@gmail.com 

Mobile: 070-4607-4131 

Address: 124 Shinjang-ro, Pyeongtaek, Gyeonggi-do, South Korea