PatrolPH

Water tanker bumangga sa tindahan sa Bataan; 1 patay, 5 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2021 04:37 AM

Water tanker bumangga sa tindahan sa Bataan; 1 patay, 5 sugatan 1
Kuha ni Cesar dela Cruz Fabian

Isang driver ang namatay matapos bumangga ang kaniyang minamanehong water tanker sa isang mini grocery store sa bayan ng Mariveles, Bataan nitong Martes ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Mariveles Police Station, papuntang town proper ang water tanker nang nawalan ng kontrol ang driver sa truck. Posibleng nawalan ng preno ang tanker umano sa paibabang bahagi ng Brgy. Ipag, dahilan para dumire-diretso ito sa mini grocery, na nawasak ang harapang bahagi.

Ayon sa mga ilang testigo, nakatalon pa ang driver ng mini water tanker na kinilalang si Mark Anthony Arado pero nagulungan din ng tanker.

“Halos wala na siyang kagalaw-galaw at wala nang buhay,” ani Jesusito Waje, responder ng public safety office sa Mariveles.

Naitakbo pa sa ospital ang driver pero idineklara siyang dead on arrival.

Sugatan din ang 5 tao na nahagip sa aksidente.--Ulat ni Gracie Rutao

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.