Warehouse sa Meycauyan, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2021 09:29 PM | Updated as of Jan 20 2021 09:52 PM

Itinaas sa ika-3 alarma ang sunog sa isang warehouse sa Meycauayan, Bulacan nitong Miyerkoles. 
 
Ayon kay Fire Officer 1 Jonathan Vargas, naitawag sa Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog sa industrial warehouse dakong alas-3:50 ng hapon. 

Wala pa naman daw naitatalang nasugatan o namatay dahil sa sunog as of alas-5:30 ng hapon. 

 Panoorin ang kaugnay na balita:

Watch more in iWantTFC

Dagdag pa ni Vargas, may nai-report na nadamay na kalapit na bahay o establisimyento. 

Marami na aniyang miyembro ng BFP at fire volunteers ang nandoon sa warehouse para apulahin ang apoy. 

— Joyce Balancio, ABS-CBN News

 Abangan ang iba pang detalye. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.