Kalibo airport naka-lockdown matapos magtala ng 18 COVID cases

Rolen Escaniel

Posted at Jan 20 2021 09:01 PM

File photo of Kalibo International Airport

KALIBO, Aklan—Nakapagtala ng 18 kaso ng COVID-19 ang paliparan sa bayang ito matapos isinailalim sa swab test ang mga kawani nito.

Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon Jr. ng Aklan Health Office, isinailalim ang Kalibo International Airport sa lockdown para maipatupad ang disinfection na nagsimula Enero 19 at tatagal hanggang Enero 21.

Ani Cuachon, ang araw lamang ng Miyerkules, Enero 20, ang apektado dahil wala namang flight sa ibang araw kung saan ipinatupad ang lockdown.

Magbabalik sa operasyon ang airport sa Biyernes, Enero 22.

Dagdag pa niya, nakatala na ang Aklan ng 550 COVID-19 cases, kung saan 81 dito ang active at 19 ang namatay.

FROM THE ARCHIVES

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.