PatrolPH

Batang lalaki nasagip mula sa balon sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2021 11:39 PM

Batang lalaki nasagip mula sa balon sa Iloilo 1
Kuha ng Igbaras BFP

Isang 10-anyos na batang lalaki ang nasagip matapos itong mahulog sa isang balon sa kanilang bahay sa Poblacion sa bayan ng Igbaras, Iloilo nitong Miyerkoles.

Ayon sa Igbaras Fire Station, naliligo ang bata sa kanilang bahay sa Brgy. 2 nang pumatong siya sa takip ng balon para maabot ang nakasampay niyang damit. Pero nawasak ang takip at nahulog ang bata.

Ilang bumbero ang rumesponde matapos tumawag ng tulong ang pamilya ng bata.

Nailigtas ang bata at dinala siya sa ospital para maipagamot.--Ulat ni Rolen Escaniel

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.