PatrolPH

Babaeng dawit sa estafa, illegal recruitment timbog sa Novaliches

ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2021 08:07 PM

MAYNILA – Timbog noong Martes sa Novaliches ang isang babaeng pinagbibintangang dawit sa estafa at illegal recruitment na modus ang mambiktima gamit ang social media. 

Suspek si Mary Grace Rebulado, 32, sa pambibiktima umano ng mga nais mangibang bansa gamit ang kaniyang nilikhang page na "International Adventure Travel Services."

Isinagawa ang entrapment operation dahil sa reklamo ng isang biktima mula Tarlac na hinuthutan umano ni Rebulado ng P35,000 para sa pag-asikaso ng visa. 

Gumawa ng pekeng Facebook account ang biktima at inengganyo ang suspek na makipagkita sa kaniya, dahilan para ito ay maaresto.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek habang inaaral pa ang mga kasong isasampa sa kaniya. 


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.