Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Remedios T. Romualdez sa Agusan del Norte, Miyerkoles ng umaga.
Naganap ang pagyanig alas-9:27 ng umaga kung saan ang episentro ay naitala 10 kilometro northeast ng R.T.R.
Base sa rekord ng state seismology bureau, may lalim ang lindol na 15 kilometro.
Ang nasabing lindol ay may instrumental intensity 2 sa Gingoog, Misamis Oriental, at Intensity 1 sa Surigao City.
Naramdaman din ang pagyanig sa Butuan City.
Walang naitalang pinsala at walang inaasahang aftershock sa pagyanig.
lindol, earthquake, Agusan del Norte, Remedios T Romualdez, earthquake, Phivolcs