PatrolPH

6 na preso sa Angeles City dinala sa ospital matapos ma-food poison

ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2021 12:35 PM

6 na preso sa Angeles City dinala sa ospital matapos ma-food poison 1
Kuha ng Angeles City Police Office

PAMPANGA - Isinugod sa ospital Martes ng tanghali ang 6 na persons under police custody ng Angeles City Police Station 3 dahil sa food poisoning.

Ayon kay Police Col. Rommel Batangan, officer-in-charge ng Angeles City Police Office, nakaranas ng pagsusuka at pagtatae ang 6 na preso matapos makakain ng chicken meal na dala ng isang bisita.

Dinala sa Ospital ng Angeles ang mga preso at ayon sa mga doktor, nagkaroon sila ng acute gastroentiritis dulot ng kontaminadong pagkain.

Ibinalik naman sa custodial facility ng Police Station 3 ang mga preso matapos mabigyan ng gamot. - Ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.