Lalaki, pinagtataga ang misis, anak sa Basilan

Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2020 10:44 PM

TIPO-TIPO, Basilan - Patay ang isang babae at ang menor de edad nitong anak matapos pagtatagain ng kaniyang mister sa loob ng kanilang bahay sa Tipo-Tipo, Basilan Lunes ng umaga.

Maliban sa dalawang biktima, nagtamo rin ng sugat sa katawan ang dalawa pang anak ng mag-asawa na ngayo'y nagpapagamot na sa ospital.

Ayon kay Police Lieutenant Thomas Cayomba, hepe ng Tipo-Tipo Police, lumalabas sa paunang imbestigasyon na may problema umano sa pag-iisip ang suspek kaya nito nagawa ang krimen.

Nakuha ng pulisya sa bahay ng pamilya ang isang itak, palakol at kutsilyo na may bahid ng dugo. Pinaniniwalaang ito ang ginamit ng suspek sa krimen.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na haharap sa kasong parricide.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.