#WalangPasok: Enero 21, Lunes

ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2019 11:13 AM | Updated as of Jan 21 2019 07:37 AM

MAYNILA -- (UPDATED) Suspendido ang pasok sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan sa ilang lugar sa Lunes, Enero 21, dahil sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Amang

Kabilang ang sumusunod sa mga lugar kung saan nagkansela ng klase ang lokal na pamahalaan:

ALL LEVELS

  • Albay
  • Biliran
    - Almeria
    - Biliran town
    - Culaba
    - Kawayan
    - Naval
  • Camarines Sur 
  • Camarines Norte
  • Leyte
    - Tacloban City
  • Masbate

PRE-SCHOOL HANGGANG ELEMENTARY

  • Butuan City
  • Calbayog City

PRE-SCHOOL HANGGANG HIGH SCHOOL

  • Ormoc City
  • Northern Samar
  • Southern Leyte

Magdadala ng katamtaman hanggang mabigat na pag-ulan ang Bagyong Amang sa Eastern Visayas, Central Visayas at Bicol regions ngayong Lunes, ayon sa state weather bureau.

Tumama ang bagyo sa kalupaan ng Siargao Island Linggo ng gabi.

I-refresh ang pahinang ito para sa mga update.

Bisitahin din ang ABS-CBN Weather Center para sa mga pinakabagong ulat ukol sa lagay ng panahon.