Tsuper arestado sa buy-bust sa QC

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2019 08:05 AM | Updated as of Jan 20 2019 08:09 AM

MANILA - Sa tabi ng kanyang minamanehong jeep inaresto ng mga pulis ang 30-anyos na si alyas Dennis sa Sampaguita St., Brgy. Pasong Tamo, QC noong Sabado ng gabi.

Nahuli siya sa buy-bust ng drug enforcement unit ng Talipapa police na ginawa sa gilid ng nakaparadang jeep.

Nakuhanan ang suspek ng 4 na sachet ng umano'y shabu na nakalagay sa kaha ng sigarilyo.

Ayon sa pulisya, wala sa kanilang watchlist o rekord ng mga sumuko si Dennis pero may nagsumbong sa kanila tungkol sa aktibidad nito.

May dalang motorsiklo si dennis na gamit umano nito sa pagtutulak.

Aminado naman si Dennis na kanya ang nasabat na shabu, pero iginiit niya na hindi siya tulak.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.