Truck na may kargang ani tumagilid sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2019 02:20 PM | Updated as of Jan 20 2019 02:21 PM

DAVAO CITY - Tumagilid ang isang truck na may kargang ani at naging sanhi ng banggan sa lungsod na ito, Sabado ng gabi. 

Kuwento ng driver, maayos naman ang kaniyang takbo sa Matina Crossing, Diversion Road nang biglang sumasadsad ang differential ng truck sa kalsada.

Nakakalat sa kalsada ang mga kargang ani ng isang tumagilid na forward truck, na dahilan naman para magkasagian ang 2 pang sasakyan. ABS-CBN News

Tumagilid aniya ang sasakyan at natapon ang mga karga nitong niyog, mais at cacao. 

Dahil naman sa mga nakakalat na ani at pagbuhos ng ulan, nasagi ng isang water tanker ang isang kotse. 

Sumikip ang trapik sa lugar hanggang mahakot ang mga natapon na ani, Linggo ng madaling-araw. 

Galing sa Panabo ang truck at maghahatid lang sana ng ani sa Davao City. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.