Pista ng Sto. Niño ipinagdiwang sa Maynila

Jekki Pascual at Abner Mercado, ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2019 08:51 AM | Updated as of Jan 20 2019 04:59 PM

MAYNILA (UPDATED) — Dumagsa ang mga deboto nitong Linggo sa Tondo, Maynila para sa taunang Pista ng Santo Niño de Tondo.

Bitbit ang kani-kanilang mga imahen, maraming deboto ang nag-abang sa gilid ng Santo Niño de Tondo Church para tumanggap ng basbas.

Watch more in iWantTFC

Ayon sa debotong si Arlene Lara, hiling niya sa imahen ng batang Hesus ang magandang buhay at malusog na pangangatawan.

Nagkaroon din ng prusisyon na dumaan sa mga kalye ng Herbosa, Velasquez, Perla at Santa Maria sa Maynila.

Sinabayan din ang Pista ng Santo Niño ng sabay-sabay na pagbinyag sa mga bata.

Ayon kay Angie Cedena, pinili niyang mapabinyagan ang anak sa mismong araw ng pista para maging modelo raw nito ang batang Hesus.

Tema ng pista ngayon taon ang "Kabataan ni Kristo: Malakas, Marunong, at Banal."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.