Mag-ama patay nang bumangga sa trak sa Negros Occidental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2019 09:13 PM

ILOG, Negros Occidental -- Patay ang mag-amang sina Joemarie Aguirre at ang siyam na taong gulang na anak nito matapos bumangga sa isang trak ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa bayang itong Sabado ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naka-angkas ang mag-ama sa motorsiklong minamaneho ng kamag-anak nilang si Reynald Lacson ng mabangga ang trak na may kargang tubo.

Nakaparada ang trak ngunit wala itong early warning device. Bumangga ang motorsiklo ng mga biktima sa likurang bahagi nito.

Dead on the spot ang mag-ama habang dinala naman sa ospital si Lacson. Hindi naka-helmet ang mga biktima.

Haharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide ang drayber ng trak.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.