Truck ng beer tumagilid, mga residente pinagkaguluhan ang natapong alak

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2018 11:13 AM

Pinagkaguluhan ng mga residente ang natapong beer mula sa isang truck na tumagilid sa daan sa Agusan del Norte, Huwebes. Photo courtesy: Rodlin Pelegrino Jagmoc Gabut

BUENAVISTA, Agusan Del Norte - Nagkagulo ang mga residente sa pagdampot ng mga kaha at bote ng beer mula sa tumagilid na truck sa Barangay Agong-ong, Huwebes.

Sa video at larawang kuha ni Rodlin Gabut, nakitang isinilid pa ng ilang residente sa isang water container ang mga boteng nakuha nila mula sa tumagilid na truck.

Pinagkaguluhan ng mga residente ang natapong beer mula sa isang truck na tumagilid sa daan sa Agusan del Norte, Huwebes. Photo courtesy: Rodlin Pelegrino Jagmoc Gabut

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, papunta sana sa Cagayan de Oro ang truck mula sa Davao City nang tumagilid ito matapos umanong iwasan ng driver na si Noel Rances and isang puno.

Hindi naman nasaktan ang driver at nagkagalos lang ang anak niya na kasama niya nang mangyari ang insidente.

Wala pang pahayag ang mga awtoridad tungkol sa mga residenteng nanguha ng mga bote ng beer mula sa tumagilid na sasakyan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.