Paglalagay ng mga basurahan sa mga tricycle, ipapatupad sa Dipolog

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2018 10:09 AM

DIPOLOG CITY – Ipapatupad ng lokal na pamahalaan dito ang mas mahigpit na ordinansa na nag-uutos sa mga tricycle operators na maglagay ng mga basurahan sa loob ng kanilang mga pampasadang sasakyan.

“They could no longer renew their registration if they failed to have a trash bin. We will make this an absolute requirement," ani konsehal Robin Legorio.

Layon ng ordinansa na makatulong ang 2,250 na rehistradong tricycle
sa lungsod sa pagtuturo sa mga pasahero ng responsableng pagtatapon ng basura.

Inaasahan ng mga awtoridad na ang bagong polisiya ay mas magtataguyod sa lungsod bilang isa sa mga pinakamalinis na lugar sa bansa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.