Magpinsang nangholdap ng estudyante sa Davao City, arestado

ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2018 06:01 PM

DAVAO CITY - Arestado ang 2 lalaki matapos mangholdap ng isang estudyante sa lungsod na ito Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Rey Licana at Aaron Licana. Arestado ang magpinsan matapos mahuli ng mga residente.

Positibong itinuro ng biktimang estudyante ang 2, na tumangay sa kaniyang cellphone matapos siyang tutukan ng patalim.

Nakuha mula sa dalawa ang patalim na ginamit sa krimen at ang cellphone ng biktima.

Kakasuhan ng armed robbery ang magpinsang Licana.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.