Lalaki sinunog umano ang sariling bahay sa Pasig; mga bumbero muntik barilin

ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2018 05:51 PM | Updated as of Jul 16 2019 01:03 PM

Watch more in iWantTFC

Arestado ang lalaking kinilalang si Albert Torion matapos umano niyang sunugin ang sariling bahay sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig at pagbantaan pang babarilin ang mga rumespondeng bumbero. 

Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasig PNP, alas-10 ng umaga ng Sabado nang simulang sunugin ng suspek ang kaniyang bahay.

Ayon kay Torion, 47, may gusto aniyang pumatay sa kaniya kaya niya nagawa ang krimen.

Aminado rin itong gumagamit noon ng ilegal na droga at ngayo'y dumadaan sa depresyon.

Depensa pa ni Torion, sira naman daw ang kalibre-.38 na baril na nakuha sa kaniya.

Kusang sumuko ang suspek sa tulong na rin ng kaniyang misis. 

Kasong arson, illegal possession of firearms, at alarm and scandal ang isasampang reklamo kay Torion.

Wala namang ibang bahay ang nadamay sa sunog.

--Ulat nina Jeck Batallones at Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.