33 katao, tiklo sa Malabon

ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2018 05:36 AM

Huli ang 33 katao sa isinagawang anti-criminality operation sa Malabon Biyernes ng gabi.

Kabilang sa mga nahuli ang dalawang lalaki na sangkot sa kasong murder at paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Karamihan sa mga dinampot ay hinuli dahil umiinom sa labas ng kanilang tahanan at walang suot na damit pang-itaas.

Magbabayad ng multang P500 ang mga hinuli na walang damit pang-itaas habang P1,000 naman sa mga nahuling umiinom sa kalsada. - ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.