Lalaki, nagbibisikleta mula Maynila hanggang Sorsogon para sa kapatid

Erick Baldo, ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2017 08:07 PM | Updated as of Jan 21 2017 10:40 AM

(UPDATED) Ang dating solo sanang planong pagbisikleta ni Jessie Hallig galing sa Metro Manila papunta sa kanilang bayan sa Magallanes, Sorsogon, ay sinasabayan na ng iba't-ibang grupo.

Nagbi-bisikleta si Jessie para mapalakas ang loob ng kanyang kapatid na tinatawag niyang Kuya Rham, na may malubhang karamdaman.

Martes ng umaga siya umalis sa Metro Manila. 

Ayon kay Jessie, hindi niya inaasahan na marami ang susuporta sa kanya.

Ang ibang mga bike enthusiasts na nakita ang Facebook post ni Jessie ay nag-ambag-ambag para may maibigay na konting tulong sa kapatid ni Jessie.

Maging ang Facebook account nito, puno na rin ng nagpapa-abot ng suporta. May nangako na rin ng tulong para maipagamot ang kanyang kapatid.