PatrolPH

Pagkain, damit hatid sa mga nasunugan sa Batangas City

ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2022 01:29 PM | Updated as of Jan 19 2022 08:07 PM

Watch more News on iWantTFC

Sa biglang pagliyab ng isang bahay sa Barangay Malitam, Batangas City kamakailan, nadamay ang tirahan ng daan-daang pamilya, kabilang ang mga residente ng kalapit na Barangay Wawa.

"Tupok na tupok po. Kahit isa, wala akong naisalba," sabi ng nasunugang si Mary Jane Jebilagyan.

Marami sa mga nasunugang pamilya ang pansamantalang tumutuloy ngayon sa Wawa Elementary School. Hindi pa umano nila alam kung kailan makapagtatayo muli ng tirahan at saan kukuha ng makakain sa araw-araw.

"Kung may dumating na tulong dito sa amin, salamat po sa inyo," sabi ni Jolina Buhali.

Ilan sa kanilang pangunahing pangangailangan ang inihatid ng Sagip Kapamilya ng ABS-CBN. Kabilang dito ang bigas, mga de-lata, damit at hygiene kits.

Pero patuloy ang panawagan ng mga nasunugan para sa ayuda habang sinisikap nilang makabawi sa kanilang pamumuhay.

 RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.