PatrolPH

Mga tsuper sa Maynila hirap sa pagpapatupad ng ‘no vaxx, no ride’ policy

Lady Vicencio. ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2022 06:39 AM

Umaaray ang mga tsuper ng jeepney sa Divisora, Maynila sa pagpapatupad ng "no vaccine, no ride" policy.

Nasasayangan kasi sila sa mga pasaherong hindi nila maisakay dahil hindi pa fully vaccinated kontra-COVID-19.

Hindi pa raw ganoon karami ang mga pasahero pero nalilimitahan na ulit sila sa bagong polisiya.

Dagdag pa ang paghihigpit din sa seating capacity kung saan 6 hanggang 8 pasahero lang ang kanilang naisasakay.

Pabor sa bagong patakaran ang karamihan sa mga pasahero, pero ang mga hindi pa fully vaccinated napipilitang maghanap rin ng alternatibong masasakyan.

Kaya marami ngayon ang pasahero ng mga pedicab kung saan hindi na sila hinahanapan ng vaccination card.

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.