PatrolPH

Mga di bakunadong sinita sa checkpoint sa Taguig dinala sa vaccination hub

Anna Cerezo, ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2022 06:30 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Nagpatupad ng "malasakit approach" ang Taguig City sa kanilang mga checkpoint.

Ipinag-utos ng lungsod ang pag-set up ng vaccination registration booths at ang deployment ng shuttle vehicles sa checkpoints nito.

Layon nitong alukin at makapagparehistro agad ang mga walang bakuna sa kanilang online portal at agad ding ihahatid ng sasakyan sa vaccination sites.

Ang programa ay pinasimulan upang matiyak na ang mga residenteng gustong magpabakuna ay magkakaroon ng mas madaling access sa inoculation.

Nasa 450 kataong di pa bakunado na sinita sa mga checkpoint at gustong magpabakuna ang dinala sa mga vaccination hub ng lungsod at nabigyan ng unang dose ng COVID-19 vaccine sa unang araw ng pagpapatupad nito.

Lininaw ng lungsod na pinaiiral din nila ang mga exemption para sa mga hindi nabakunahan, maaari pa rin silang maglakbay pero limitado sa pagbili ng mga mahahalagang gamit, gayundin ang mga taong may kondisyong medikal na nagbabawal sa kanila na ma-inoculate.

Base sa huling tala ng Taguig City, nasa 736,615 indibidwal na ang kanilang nabakunahan o kumakatawan sa 84 porsiyento ng Projected Population ng lungsod. Nakapag bigay na din ang Taguig ng mahigit 100,000 booster shots.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.