PatrolPH

Tricycle driver, patay sa pamamaril sa Pasay City

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2021 05:43 AM | Updated as of Jan 19 2021 06:38 AM

Tricycle driver, patay sa pamamaril sa Pasay City 1
Kuha ng Barangay 84

MAYNILA - Patay ang isang 58-anyos na tricycle driver matapos pagbabarilin habang namamasada sa Pasay City noong Linggo ng hapon.

Nakunan ng CCTV ang pagsalubong ng tricycle na minamaneho ng biktimang si Ricardo Sta. Ana at ang suspek na nakasakay ng bisikleta sa F. Sanchez Street sa Bgy. 84 bandang alas-6 ng hapon.

Nakasuot ng sombrero, hoodie jacket, at pantalon ang gunman.

Watch more on iWantTFC

Nang magkalapit ang dalawang sasakyan, naglabas ng baril at nagpaputok ang gunman kay Sta. Ana kaya napatigil ang tricycle.

Bumaba ang pasahero ng tricycle habang binalikan ng gunman ang nakasalampak nang driver para paputukan ulit. Saka siya tumakas sa direksyon ng Taft Avenue gamit pa rin ang bisikleta.

Ayon sa ulat ng Southern Police District, narekober ang 4 na basyo ng pinaputok na bala at 3 hindi pa pinaputok na bala mula sa baril ng caliber .45.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay kay Sta. Ana, na taga-Pasay rin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.