Jail officer timbog sa umano'y panggagahasa sa boarder

ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2021 06:42 PM | Updated as of Jan 19 2021 07:33 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — Arestado ng National Bureau of Investigation ang isang jail officer na may-ari ng isang boarding house sa Pasay dahil sa umano'y panggagahasa sa isa niyang boarder.

Dumulog sa NBI ang biktimang si alyas "Alexa," 26, para sampahan ng kaso si Ramon Carolino, deputy warden ng Taguig City Jail.

Sa imbestigasyon ng NBI, niyaya ng suspek na makipag-inuman ang 4 niyang boarder, kasama si Alexa.

Ayon kay "Alexa," habang naghuhugas siya ng kamay sa kusina ay nilapitan siya ng lasing na deputy warden at tinutukan ng baril para magahasa.

Agad naaresto ng NBI si Carolino, na itinanggi ang mga akusasyon ng biktima.

Kinasuhan ng NBI ng rape ang suspek.

-- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.