Barangay kapitan patay sa pamamaril sa Leyte

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2021 07:43 PM

Tinambangan ng hindi pa nakikilalang salarin ang barangay captain ng Cambahanon sa bayan ng Alangalang sa Leyte. Larawan mula sa Alangalang Police

Patay sa pamamaril ang isang barangay chairman, Martes ng umaga sa Alangalang sa Leyte.

Nangyari ang pamamaril sa national highway ng Barangay Bobonon, Alangalang, Leyte alas 7:50 ng umaga.

Batay sa impormasyon mula sa Police Regional Office 8, nakilala ang biktima na si Benjamin Padullion, 65, kapitan ng Barangay Cambahanon.

Sakay ng motorsiklo si Padullion nang ito'y barilin ng salarin.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente para matukoy ang motibo sa pamamaril at mapanagot ang salarin.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.