Binatilyo sa Davao City huli sa buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2020 03:31 PM

Dalawang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000 ang nakuha mula sa suspek. Retrato mula kay Ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

DAVAO CITY — Arestado ang isang 18-anyos na lalaki matapos mabilhan ng umano'y shabu sa buy-bust operation sa lugar ng Matina noong Sabado ng gabi.

Dalawang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000 ang nakuha mula sa suspek.

Bumibiyahe pa umano pa-Calinan ang suspek, na natuklaseng isa pa lang Grade 12 student. 

"Kinakarga at inaakyat pa ito sa Baguio district. Ngayon timing na sabi niya wala na daw kasi siyang supply pero merong konti dito sa Matina kaya tinuloy na namin," ani Police Maj. Wesley Arquiomedes, station commander ng Calinan Police Station.

Inamin naman ng binatilyo ang pagkakasangkot sa ilegal na gawain. 

Pero aniya, may nag-uutos lang din umano sa kaniya kaya nakakalibre din ito ng gamit ng droga.

Nakatakdang kasuhan ang nahuling suspek. 

— Ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.