150 pamilya apektado ng sunog sa Las Piñas

ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2019 05:29 PM | Updated as of Jan 20 2019 12:43 PM

Kuha ni Bayan Patroller Felix Ealdama

MAYNILA (UPDATED) — Nasa 150 pamilya ang naapektuhan sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Las Piñas City noong Sabado.

Pasado alas-3:30 ng hapon nang unang maiulat ang sunog sa Julio's Compound, Barangay Pulang Lupa I, na umabot hanggang ikaapat na alarma. Tuluyan itong naapula bandang alas-8 ng gabi.

Nanggaling ang apoy sa ikalawang palapag ng isang bahay sa lugar pero inaalam pa ang mismong sanhi nito, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Tinatayang nasa P300,000 ang halaga ng pinsala sa 50 bahay na natupok.

Nagtamo ng first-degree burn ang volunteer na si Alvyn Millanes nang matilamsikan siya sa dibdib.

Inilikas ang karamihan sa mga residente sa isang covered court.

Watch more in iWantTFC

Kuha ni Bayan Patroller Faye Magboo

--Ulat nina Anjo Bagaoisan at Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.