Gobyerno handa na sa posibilidad ng El Niño

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2019 10:12 PM

MAYNILA—Handa na umano ang Department of Agriculture sakaling magkaroon ng El Niño, o matinding tagtuyot, sa unang bahagi ng taon.

Ito ay matapos manawagan ang International Rice Research Institute na paghandaan ang El Niño at ang magiging epekto nito sa mga pananim.

Ayon kay Secretary Manny Piñol, noong nakaraang taon pa lang ay pinaghahandaan na ng kagawaran ang posibilidad ng El Niño.

Kabilang dito ang pamamahagi ng water pump at mga punla, insurance payment sa mga nasiraan ng pananim at hindi nakakuha ng paunang tulong mula sa gobyerno, emergency rice supply, at financial loan.

Una nang sinabi ng PAGASA na may posibilidad na magkaroon ng panandalian o mahinang El Niño sa huling bahagi ng Enero o sa Pebrero.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.