Binatilyong nawala sa Agusan River pinaghahanap pa rin

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2019 03:49 PM

Patuloy na nagsasagawa ng search and rescue operation ang Philippine Coast Guard para mahanap ang 15 anyos na binatilyong nawala habang naliligo sa Agusan River. Larawan mula sa Philippine Coast Guard Butuan

BUTUAN CITY - Patuloy na pinaghahanap ang 15-taong gulang na batang lalaki na nawala sa Agusan River noong Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard, nawala si Christian Alaras matapos maligo sa ilog kasama ang kaniyang mga kaibigan. 

Malakas umano ang agos ng tubig sa ilog at natangay si Alaras. 

Tinangka siyang sagipin ng kaniyang mga kaibigan pero tuluyan na itong nawala.

Tumulong na sa paghahanap ang search and rescue team ng Philippine Coast Guard kung saan binaybay nila ang bayan ng Magallanes at mga daanan ng ilog pero bigo pa rin silang mahanap si Alaras.

Umaasa naman ang ina ni Alaras na buhay pa ang kaniyang anak lalo’t magaling itong lumangoy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.