2 umano’y tulak, timbog sa buy-bust sa Maynila

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2019 06:06 PM

MANILA—Arestado ang isang babae at isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Santa Mesa Sabado.

Nahuli agad ang dalawang suspek na sina alyas Niknok, 30, at alyas Marge, 31, matapos nilang bentahan ng ilegal na droga ang isang undercover na pulis, ayon kay Inspector Rodelio Lingcong.

Nakuha sa kanila ang 6 na sachet ng hinihinalang shabu at narekober din ang kanilang motorsiklo na ginagamit umano sa ilegal na mga transaction.

Nakakulong na ang mga suspek sa Manila Police District Station 8.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.