10 bahay natupok sa QC

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2019 01:11 AM

MAYNILA - Sampung bahay ang natupok sa sunog sa isang residential area sa Barangay Commonwealth, Quezon City nitong Biyernes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-QC, sumiklab ang apoy alas-7:42 ng gabi at mabilis itinaas sa ikalawang alarma makalipas ang ilang minuto.

Umabot ng alas-9:30 ng gabi bago naapula ang apoy na tumupok sa 10 mga bahay.

Apektado ang 19 na pamilya na pansamantalang manunuluyan sa multi-purpose hall.

Tinatayang nasa P100,000 ang halaga ng pinsala sa sunog.

Walang naiulat na nasaktan dahil mabilis nakalikas ang mga residente.

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP sa pinagsimulan ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.