Forced evacuation ipinatupad sa Agusan del Norte

May Diez, ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2017 01:04 PM

Residents of Barangay Panaytayon in Remedios T. Romualdez, Agusan Del Norte stay at the municipal gym after evacuating from their homes

AGUSAN DEL NORTE - Ipinatupad ang forced evacuation sa Barangay Panaytayon sa bayan ng Remedios T. Romualdez dahil sa walang tigil na pag-ulan, Miyerkules ng gabi.

Hanggang beywang na ang tubig-baha sa nasabing barangay Huwebes ng umaga.

Sa kabila ng forced evacuation, marami pa rin sa mga residente ang
nagmatigas sa paglikas.

Katwiran ng karamihan mababa pa ang tubig, bukod sa hirap silang iwanan ang mga alagang baboy mahirap din daw ang sitwasyon sa evacuation center.

Naapektuhan na rin ang malaking bahagi ng palayan na kung saan ay kasisibol pa lamang.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang isinasagawang rescue operations sa mga residente na inabot na ng tubig-baha sa kanilang mga bahay.

Mahigit 50 pamilya na ang nasa municipal gym na siyang nagsisilbing evacuation center.

Ilan sa mga bata sa evacuation center ay mayroon nang mga sipon at ubo.

May nakahanda namang health worker sa evacuation center at inasikaso na rin ang pamamahagi ng relief goods.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.